Pag-ibig Na Tunay…nga Ba?

photocredit to google

Pag-ibig tunay ka nga ba?

Isang Misteryo ka nga ba? Sino ba ang makakatakas sayo? Sa kaliwa… sa kanan… sa likod… at sa harapan… ikaw ay nanjan lang at lagging  nakabantay. Naghihintay ng makakapitan, mabibiktima at mapupuntahan. Magtago kana nilalang pagkat ikaw ang biktimang inaabangan.

Pero saan? Paano? Pagkat paglingon mo, pagtali ng sintas ng iyong sapatos, pagtaas ng iyong ulo, pagdilat ng iyong mga mata, habang ika’y nagmamadali sa bukang liwayway ay napunta sya sa iyong harapan, nagkatinginan at nagkrus ang inyong mga mata, humihip ang malamig na hangin, tumibok ang puso, umawit ang mga ibon, nagdilim ang buong paligid na para bang sya lang ang nasa iyong harapan, biglang bumagal ang ikot ng mundo na parang walang hanggan,  ayaw pakawalan at gustong igapos ang mga sandaling gustong malubos – ayaw mo ng matapos.

Nakakasabik, nakakapanibago pero ang buong puso mo’y puno ng galak at pangako. Isa… dalawa..tatlo.. isa..dalawa..tatlo..isa…dalawa…tatlo.. Napakahiwaga, punong-puno ng ligaya, maaaring eto na nga ang sagot sa pusong nagnanasa na may makasama. Bawat araw ay nadarama ang pag-ibig na maligaya, masaya at nakakaaya.

Isa…

Dalawa…

Tatlo…

Nagdilim ang paligid, bumilis ang ikot ng mundo, humihip muli ang hangin, pagtaas ng iyong, pagdilat mo ng iyong mga mata at iyong nakita – wala na sya. Bakit? Paano? Ano? Nasaan na? Ano nga ba ang nagawa? Wala man lang babala. Bakit biglaan ka pag-ibig kung kailan ako’y hindi handa?  Bakit ka nawala? Hindi ko maintindihan, punong-puno ng katanungan ngunit walang kasagutan ang puso mong sugatan.

Isa…

Dalawa…

Tatlo…

Isang palaisipang misteryo, isang malaking milagro. Ng isang araw ay may nagturo kung ano ang tunay na pag-ibig sayo. Pinakita Nya kung paano ang pag-ibig na hindi maglalaho. Pag-ibig na kailanmay hindi magbabago. Pag-ibig na hahamakin kahit ano. Pag-ibig na ibibigay ang lahat-lahat para sayo. Pag-ibig ng si Kristo ay namatay sa krus para sayo. Para makita mo na ang pag-ibig ay isang malaking misteryo na sa Kanya lamang totoo. Tigilan na natin ang lahat ng ito dahil alam naman natin na ang pag-ibig sa mundo ay susuko pero ang kay Kristo ika’y mabubuo.

Pag-ibig. Misteryo ka nga ba? Sino ba ang makakatakas sayo? Sa kaliwa… sa kanan… sa likod… at sa harapan… ikaw ay nanjan lang at lagging  nakabantay. Ngayon, alam mo na, na kay Kristo tunay na pag-ibig ay mapapa-sa iyo. Nagliwanag ang paligid, nagkaroon ng pag-asa, nagsiwaatan ang mga anghel sa langit, ng iyong isuko ang sarili kay Kristo. Pagkat tunay na pag-ibig ay nasa Kanya ng sinabi Nyang, “Tapos na.”

Isa…

Dalawa…

Tatlo…

Buhay mo ba’y iyong isusuko kay Kristo? O magpapadala sa pag-ibig ng mundong susuko?

Exit mobile version