NASIMULA SA CHAT. NAGTAPOS DIN SA CHAT.

Di ko alam ba’t friends tayong dalawa sa facebook, pero never tayong nag chat. Siguro kasi galling naman tayo sa iisang school kaya we became friends sa fb. Magkaiba nga lang ng course. Graduate ka na tsaka ako din naman ahead ka nga lang ng isang taon.

Everyone knows na broken hearted ako, pero never ako nag entertain ng kung sino man kasi ayoko na ma attach uli. Kaya yun yung reason bakit minsan nakaka react sko sa mga post mo, kasi nakaka relate din naman ako sayo kahit di ko naman alam ang reason ng pinanghuhugutan mo. Wala lang naman yun sakin kasi friends naman tayo, kaya desisyon ko na yun kung kaninong post ako mag rereact.
Naaalala mo pa ba na isang iraw, ng update ka ng myday mo? Tsaka nagsend ako ng message sa myday mo. “ipagpray mo na lang yan.” Yun yung sinabi ko kasi that’s what I used to do. Prayer is powerful nga kasi diba. Di naman tayo nag chat nun.
Then isang araw, nag update din ako ng myday ko. About Mobile Legends ata yun. Dun nag react ka din sa myday ko. Pa add sabi mo. Nakapaglaro pa nga tayo nun, classic nga lang kasi syempre bago pa lang ako. Diba. Yun yung first time na nag chat tayo. I remember the date pero ayoko na sabihin, baka mabasa mo, malaman mo pa na galling sakin. Inabot tayo ng 1am that time. Parang magkakilala lang naman tayo nung nag simula tayong mag chat. Wala lang yun sakin kasi kaibigan naman kita so okay lang mag chat.
The next day, nag chat pa rin tayo. Kapag free ka, nag uusap tayo. Eh ako naman, reply din ng reply sayo. Hanggang dumating ang araw na feeling ko nahuhulog na ako sayo. Alam kong may alam ka na, pero di ko pa inaamin sayo. Syempre kay bago bago mahuhulog agad ako? Nakakaturn off naman yata yun. So tinago ko sa self ko yung talagang nararamdaman ko. Pero habang magkausap tayong dalawa, ramdam ko ang kasiyahan. Ramdam kong anjan ka talaga para sa akin. Minsan nga naitanong mo ako kung ano ang gusto ko sa isang lalaki, well. Sinabi ko sayo yun na dapat hindi. Kasi gusto ko sana, ikaw yung maka discover. Pero paano mo naman madidiscover eh ako lang tong may gusto sayo? Pero sinabi ko sayo yun kasi gusto kong maging honest. Tuloy pa rin yung chat kahit alam kong halatang halata mo na na gusto kita. Minsan nga, you’re looking for ways para masabi ko sayo. Hanggang dumating yung araw na nag tampuhan tayong dalawa. Sinabi ko sayo yung totoo kong nararamdaman. Ang sakit nun. Sobrang sakit. Kasi kung kelan nasabi ko na sayo lahat, dun din naman natapos yung lahat.
Pero I thank God kasi naging okay naman tayo somehow. Kaya akala ko okay na talaga. pero hindi e. Dun nag simula na naging cold ka. Yun bang parang wala ka ng time para mag reply sa mga chat ko. Pero inintindi ko kasi sabi ko baka busy ka lang, syempre alam ko naman na di sa lahat ng oras cellphone lg hawak mo. So okay. Kahit di na tayo madalas nag chachat pero positive pa rin ako.
Di ko alam ano pumasok sa isip ko pero naalala mo ba nung nanood tayo ng Endgame? Ayoko na sanang makita ka kasi alam ko masasaktan lang ako. Oo. Nung nakita kita, nasaktan nga talaga ako. Kasi may gut feeling ako na parang first and last nating pagkikita yung mga oras na yun. Oh, diba. Di naman ako nagkamali. Kasi after nung nanood tayo, oo. Chinat mo pa ako, siguro sign of respect mo para sa akin. The next day, nag chat pa nga tayo. Parang okay naman, kaya lang, may chat akong hindi mo man lang sineen kahit online ka. Dun ako nanlumo bes. Ang sakit. Sobra. Yun bang parang iiwan ka na lang bigla kahit wala kang alam kung bakit? Kung ikaw, ano kaya mararamdaman mo? Dun ako nag decide umalis. Yung pag alis ko, di para sa sarili kong mga pangarap. Kundi para sayo. Para makalimutan kong yung taong napakabait at napaka maalalahanin, sinaktan ako. Alam kong kasalan ko, sino ba kasi nagsabing mag expect ako? Wala naman diba. Kinabukasan umalis ako. Umalis ako papuntang ibang bansa.
Maaamaze ka sa mga magagandang tanawin dun. Lalo na sa mga mabubuting tao na nasa paligid mo, so sabi ko. Thank you Lord! Siguro ito na yung simula ng pagbabago, pagbabagong gigising ako ng wala ng goodmorning galling sayo. Pero aside dun, lagi akong nag pepray na, “Lord, sana naman kung sa palagay mo para kami sa isa-t isa, hihingi ako ng isang sign. Sana Lord, isang araw ichat niya ako.” So paano nga ba ako makaka move on sa ginagawa ko? Ang bigat pa rin. Sobrang bigat ng aking nararamdaman. Two weeks lang ako pero naka tulong naman kahit papano dahil sa mga mabubuting tao. Oo. Laman ka parin ng puso’t isipan ko. Pero ano bang magagawa ko? Kinalimutan mo na ako.
Isang lingo na ako nun nang bigla mo akong chinat. Naluha ako bigla. Kasi ang galling Lord! Answered prayer talaga! Ayoko na sanang umasa, pero binigyan ako ni God ng hope. So na excite ako umuwi ng Pinas nung time nay un. Feeling ko pag uwi ko, magiging okay na tayo. Feeling ko lang pala. Ever since talaga parang ang tanga tanga ko.
Charaaan! Nasa pinas na ako, syempre di ko alam kung alam mo. Pero for sure hindi mo alam kasi naka mute na yung myday ko sayo. Tsaka in-unfollow mo na rin ako sa fb. So for sure wala ka na ding oras para I’stalk ako. Kaya siguro kelangan ko na talagang tanggaping hindi ako yung gusto mo. Pero sana naman, hayaan mo akong mahalin ka. Hayaan mo lang ako, kasi sabi ko sa sarili ko, kung hindi ka pa yung lalaking makakatuluyan ko, hindi na talaga ako mag eentertain ng kahit sino man. Gusto ko lang sabihin sayong pag nag mahal ka, tsaka nasaktan, sabihan mo lang ako. Handa naman akong saluhin ka. Ilang beses mo man akong saktan, mamahalin at tatanggapin pa rin kita.

Sana mapag isip mo din na tao lang ako. Kelangan ko din naman ng mga kasagutan sa mga tanong ko. Sabihin mo lang, di ako magagalit. Tatanggapin ko kung ano man yung mga reason mo bakit bigla mo akong iniwan. Mas mangingibabaw pa rin naman pagmamahal ko sayo. Kaya sana makapag isip ka na sa ngayon.

Sana makarating tong sulat na to sayo.

Lubos na nagmamahal,
-Endgame

Exit mobile version