Many people said that love is a beautiful thing, that love brings happiness and love makes you smile. Oo nga, nung minahal kita, sobrang saya ko, na halos mukhang emoji na smile ng smile ang araw-araw kong nakikita sa sarili ko. Pero hindi rin naman nagtagal ang saya na ‘yon. Ang maraming ngiti ay napalitan ng mas maraming luha. Umiyak ako, nagsisi. Oo, there’s something inside me na nagsisi kung bakit pa tayo nagtagpo, kung bakit nahulog ang loob ko sa’yo. Bakit nga ba minahal kita? Ilang taon ko tinanong ang sarili ko, pero ilang beses ko ding hindi masagot ang tanong na ‘yon. Ang alam ko lang, ayaw na kitang mahalin, gusto na kitang kalimutan. Gusto ko ng kalimutan ang pangalan mo, gusto ko ng kalimutan ‘yang pagmumukha mo. Dahil habang naaalala kita, naalala ko rin ng sakit–ang sakit na hindi pwede maging tayo. Hindi kasi sapat na gusto mo lang ako, at hindi rin sapat na mahal kita pero hindi naman ako sigurado na kaya kong magmahal ng buong-buo. Kasi kapag naging tayo na ganitong hindi pa buo ang puso ko, ay PARA NA RIN KITANG NILOKO. Marami ng sugat sa puso ko, at alam kong masasaktan lang kita kung magiging tayo. Nagpapasalamat naman ako sa’yo na maaga kang sumuko at hinayaan akong lumayo. Nagpapasalamat ako pero sobrang nasasaktan ako. Masakit pala ang katotohanan na kay dali mo akong binitawan. Pero ‘yon ang makakabuti para sa atin. Ayusin muna natin ang puso ng bawat isa. Hayaan maghilom ang mga sugat–ang mga sugat na hindi kayang gamutin kung magiging tayo. Kapag naghilom na ang mga sugat ay hindi ko naman sigurado na magkikita pa tayo. Pero kung sakaling magkikita pa kaya tayo, ako pa rin kaya ang gusto mo? Ikaw pa rin ba ang mamahalin ko? Hindi ko alam, hindi ko sigurado. Ang alam ko lang, gusto kong mahalin ang sarili ko, gusto kong mabuo muli ang puso ko. Para kung dumating man ang araw na magmamahal muli ako, kahit ikaw pa ‘yon o hindi na ikaw, sigurado na ako at hindi na magsisisi kasi alam ko na ang PUSONG BUO ay MAGMAMAHAL ng HINDI BIBITAW at HINDI SUSUKO. Sana dumating na ang araw na buong-buo ko nang mahalin ang sarili ko. At sana, sana lang, mabasa mo ito.