“Hanggang Dito Na Lang”

hanggang dito na lang
ang damdamin para sa iyo,
sa malabong maging tayo,
na kahit paglapitin ay sadyang kay layo.

hanggang dito na lang
sa mga ngiting ika’y kasama,
sa ligayang pinadama
na sa kahit ang tayo ay hindi maitama.

hanggang dito na lang
kahit masakit
pipilitin kong mawala ng naka pikit
dumaloy man ang luhang hindi pinilit.

hanggang dito na lang
malaya ka na
sa puso kong umaasa
dahil hanggang pangarap lang kita.

Exit mobile version