Kulang Ang Mga Salita Para Kay Inay

Sa pagmulat ng ating mga mata, halik ni inay sumasalubong na, ngiti nya’y ating nakita at ang yakap niya’y ating damang-dama. Sa pagising sa umaga may nakahain na sa mesa, ating mga baon ay nakaayos na, ating uniporme’y plantsado pa, at ang ating mga sapatos ay makinis narin.

Sa paglipas ng nga araw, dumaan ang mga linggo, buwan at taon tayoy nagsilakihan naging purmado ang mga katawan, at kasabay ng paglago nito natuto narin tayong gumawa ng mga desisyon. Habang tayoy lumalaki si inay ay nasa ating tabi, saksing-saksi ang mga mali at mabubuti nating gawi. May mga kinakatakutan silang araw na di maikubli, ito yung araw na tayoy lilihis ng landas, yung maglilibang tayo na halos wala ng bukas, at uuwi ng disoras. Minsan tayoy galit pa kase kulang ang baong ibinigay niya, galit pa kase di masarap ang ulam na inihain niya, at galit pa kase di naayos yung gagamitin na sana.

Lingid sa ating kaalaman na silay nasasaktan na, tumutulo ang mga luha ng di inaasahan, at halos walang makapitan. Kailan ma’y di natin sila narinig na nagreklamo, sa mga panahong masakit ang ulo kakaisip sa mga bayarin, di natin sila narinig na nagreklamo sa subrang pagod sa trabaho, di natin sila narinig na nagreklamo kahit pa silay problemado. Ininda nila lahat ng hirap, sakit, pagod at gutom maibigay lang lahat ng ating pangangailangan. Bagkus panay pa ating mga reklamo. Nakalalaan tayo ng oras sa iba, pero pagdating sa kanila parang wala.

Ma, my, nay, nana, mommy, mama at ina. Di man namin masabi sa inyo pero kami ay maswerte dahil kayo ang aming naging parte ng aming buhay. Patawad po sa panahong sumusubra na kami, patawad po sa mga panahong nakakasakit kami, patawad po kung minsa kami’y walang paki at patawad po pero kami’y nagsisisi. Sa bawat pagpatak ng luha niyo na kami ang dahilan puso nami’y parang winawasak. Di man namin masabi sa inyo ng harapan pero kami’y nasasaktan. Kulang ang mga salita upang pasalamatan kayo sa inyong mga ginawa. Dalangin nami’y maging malusog pa kayo hanggang sa dumating ang araw na ang susukli sa mga paghihirap niyo. Kami namang ang magbibigay ng pangangailangan niyo, kami naman ang magaaruga at aakay sa inyo. Mama, mommy, nanay hintay lang ho saglit dahil sa susunod kami naman.

Proverbs 31:29-30

Maraming anak na babae ay nagsisigawang may kabaitan, nguni’t ikaw, ay humihigit sa kanilang lahat. Ang lingap ay magdaraya, at ang kagandahan ay walang kabuluhan: nguni’t ang babae na natatakot sa Panginoon, ay siya’y pupurihin.

Exit mobile version