Masaya ka ba talaga sa kanya?

Bee masaya ka ba sa tuwing siya ay kasama?

Hindi ba napapalitan ng lungkot ang tuwa saiyong mukha?

 

Sobrang saya ka ba pag kasama siya?

Hindi mo na-iisip na may taong mas sasaya pa, pag nakasama ka.

 

Ang sakit sa mata sa tuwing nasisilayan ko kayong masaya.

Para bang unti-unting tinutusok ang akin pusong hindi na masaya.

 

Hindi ko intensyon na siraan siya.

Masaya ka nga ba talaga sa kanya?

 

Hindi ko na alam ang totoo sa hindi, dahil sa tuwing tinatanong kita.

Nanahimik ka lang at umiiling ng pa-hindi.

 

Ayoko nang masaktan pa at makita kayong masaya.

Ngunit piringan ko man ang aking mga mata, akin parin itong tatangalin makita lang ang iyong mukha.

 

Nasabi mo sakin noon na masaya ka pero may kulang.

Sinabi ko naman sayo noon na, yung presensya ng tayo ang kulang.

 

Hindi na babalik ang lahat sa dati.

Kahit anumang gawin natin, hindi na tayo tulad ng dati.

 

Oo alam ko mahirap tong ginagawa ko.

Kinakaya ko lang dahil mahal kita at minahal ko yung dating tayo.

 

Gusto ko nang bumitaw dahil nakikita kong masaya ka naman kahit papaano.

Tinutulak lang ako ng aking puso, dahil may responsibilidad ako sa’yo.

 

Bee masaya akong makita kang masaya.

Pero sana naman huwag na huwag mo nang gawin yung mga hindi tama.

 

Hindi kita pinagbabawalang maging masaya.

Karapatan mo ang maging masaya.

 

Maging masaya ka lang, kahit pa sa piling ng iba.

Ang mahalaga ay makita kitang masaya habang ginagawa ang tama.

 

Bee hindi para sa akin ito, kundi para sayo din to.

Maiisip mo din kung bakit minahal kita ng ganto.

Sa panahong hindi na ko lageng andito para sa’yo.

 

 

By Gerald Dacanay

Soon to be RPh.

Exit mobile version