Araw araw.
Ipinagdadasal ko sa Diyos ang paghilom sa mga puso nating nasugatan ng mga desisyon na nung una akala natin ay tama.
Ipinagdadasal ko na muli tayong bawiin ng Diyos sa mundong pinili nating galawan
Na nung una akala natin ay pang walang hanggan.
Ipinagdarasal ko sa Diyos, na pawiin Nya ang lahat ng sakit dulot ng distansya sa pagitan nating dalawa.
Ipinagdarasal ko na muli Nya tayong buoin at imulat sa katotohanang Sya pa din ang kukumpleto sa ating dalawa.
Na kung paanong pareho nating isinisigaw na ayoko ng walang ikaw, ay mas umalingawngaw ang mga salitang “Panginoon, mas hindi ko kaya ng walang Ikaw ! Hindi ko kayang mabuhay ng walang Ikaw !”
Ipinagdarasal ko na hindi na tayo muling pang iiyak, na kung luluha man tayong muli hindi na yun dahil sa sakit kundi dahil sa sayang dulot Nya.
Hindi na mga hikbi ang maririnig sating dalawa kundi sigaw ng tagumpay na sa wakas sa hinaba haba ng proseso ay nagtagumpay din tayong dalawa.
Hindi na mangangatog ang mga tuhod natin dahil pinalakas na Nya, sapat na lakas upang harapin natin ang mundo
Na kung muli man tayong magtatagpo ay magaling na tayong dalawa.
Yung hinilom Nyang sugat na kahit mabunggo ay hinding hindi na tayo magdurugo.
Umaasa akong inaayos Nya ang lahat, at darating ang panahon na titibagin Nya ang mga pader sa pagitan nating dalawa,
Maari na ulit kitang makasama, malaya at sa paraang naiwasto na ng mga aral na itinuro Nya.
Sya nga pala, hindi pag iwan ang lahat ng aking ginawa kundi pagsuko ng mga bagay na pilit kong ginawang tama.
Upang maiwasan ang mas malaki pang pagkasira.
Alam kong labis tayong nasalanta ng bagyong dumating, wag kang mag alala hindi nito tinangay ang mga damdamin ng pagmamahal at mga alaala nating dalawa
Pagsikat ng araw, pagdating ng umaga, kapag nagtagpo muli tayong dalawa gawin natin Syang bida sa lahat ng eksena,
Dahil pag si Lord ang bida napakaganda ng istorya
Isa pa, ayoko na din magkaron ng ending ang kwento nating dalawa.
Marami pang mga pangarap ang tutuparin natin ng magkasama, di ba ?