Sana Lahat ng Istorya Happy Ending

“And They Live Happily Ever After…Ooops”

Everyday, we are all fascinated by those lovestories na nababasa natin sa mga books. Specifically, those with “happy endings.” Everyday, as we watch those successful endings sa mga movies na paborito natin, di rin natin mapigilan na mag-wish na sana ganun din ang mangyari sa atin sa totoong buhay. On all those teleseryes na expected naman natin na happy ending din ang katapusan, we find ourselves dreaming of our own reality. All those stories circulating around media and internet, pataas din ng pataas ang level ng expectations natin and even our own degree of what-so-called happy ending. Pero alam mo ba kung anu talaga ang naging dahilan kung bakit tayo may kanya-kanyang level ng assumptions about successful endings? Walang iba kundi ang linya ng lahat ng “fairytales” na, “and they live happily ever after.” Dahil dito, we all been surrounded by “fairytale like” random thoughts on how we want our lovestory to end. Parang gusto tuloy natin na ‘yung ending ng istorya natin ay ‘yung with a “blast” or ‘yung may pa-fireworks sa dulo. Seems, like were announcing another successful fairytale ending being written on a fictional scenario with a fictional characters.

Lately, I just realized, na habang patagal ng patagal at pataas ng pataas ang definition natin sa happy ending. Pataas ng pataas din ang standard natin sa mga gusto nating mangyari sa mga istorya natin. ‘Nung dati, maiisip mo lang na ligawan ka lang ng kapitbahay mo ay okay na sa’yo. Pero ngayon, naiisip mo na, na si Gong Yoo na ang gusto mong manligaw sa’yo. Sabi nga ng kaibigan ko: “Sa Pilipinas ka nakatira pero ang gusto mong manligaw sa’yo ay ‘yung Oppa na taga-Korea.” ‘Nung una, negative ang dating ng linya na ‘yun sa akin. Pero lately, I just realized, may point naman ang sinabi niya.  If you want to have an Oppa boyfriend, then go to Korea. Pero kung wala ka namang budget, pinaka-malapit ang Divisoria. Naisip ko lang naman at bigla akong natawa.

Here’s some common point of mine na I would you to examine kung umabot ka sa point na nababasa mo ang 3rd paragraph na ‘to. Napansin mo ba ‘nung ni raised natin ang level of understanding natin ng happy ending, tumaas din ang standard natin sa mga taong gusto nating makasama habambuhay? Kung dati, ‘nung si Toto pa na anak ng tindera ng mani sa kanto ang nanliligaw sa’yo, ganun lang din naman kataas ang standard mo sa kanya for a future partner. ‘Nung nanligaw sa’yo si “Tyler” na nakatira sa subdivision, tumaas ‘din ngayon ang standard mo ala pang subdivision din. ‘Nung nanligaw na sa’yo si “Adam” na nakatira sa Amerika at may Koreanong pinsan, tumaas lalo ang standard mo ala pang-ibang bansa na rin ang peg.

Now here’s my dilemma. Problem here is that, nakalimutan natin ang standard natin na natural ‘nung may pumasok na lumagpas sa standard na si-net natin. May nakalimutan tayong mga tao na pasok naman sa pinakauna mong si-net, pero natabunan ng “mala-outer” space na expectations mo for your future partner. Imbes “qualifications” ang nire-require mo sa isang mag-aaply ng lugar sa buhay mo, para tuloy gumawa ka nang pinto at pader na kapag hindi pasok sa panlasa ng mata mo e hindi na rin pasok sa bahay mo. Alam ko namang magkaiba tayo ng definition at level ng standard on how to manage future partners. ‘Di ba applicable dito ‘yung kasabihan na: “Siguraduhin mo lang na karapat-dapat ka rin sa taong sinampal mo nang Standard Conviction mo. Hindi ‘yung, nagsuot ka nang mamahaling relo, ‘di mo naman pala alam kung paanu basahin ang oras dito.”

Finding a right partner is sometimes complicated. Setting standards is easy but much complicated during the entire process. Sabi nga nila: “Ibagay mo ang standard mo sa kung anung kaya mong ibigay sa tao.” Instead of setting standards, why set qualifications for everybody. Instead of collecting, why set an elimination process along the way. Alam mo na panigurado ang kaibahan ng aircon sa electric fan and I’m sure alam mo ang sinasabi ko. Paghiwalayin mo ang bato sa buhangin, there you’ll find fine pigments na kailangan mo sa paggawa ng matibay na bahay. Hindi ka naman si “Snowhite” or like those “Disney Princesses” na pang “Prince Charming” ang tipo. Mag set ka nang standard na pang-tao at para sa tao. Hindi ‘yung pang pelikula or pang-cartoons ang tema. I love happy endings. We all love happy endings. Pero lahat ng expectations natin about this thing ay magsisimula kung paano at anung standards ang nire-require natin sa mga taong gusto nating papasukin sa ating mga buhay.

 

…And for everything, “PRAY.”

 

Just My Thoughts

Statvs Manila

Photo Credit: Google on Display

 

Exit mobile version