“Damdamin”
Categories Poetry

“Damdamin”

"Damdamin"


Ang emosyong bumabalot sa puso'y
Pilit kinukubli damdamin sa'yo
Buwan at alapaap upang hindi
Mabatid bawat himig at nota'y
Panay lamang ang pagkumpas.


Itinatanong mga ngiti mo ay
Puno ng kislap na nagmumula sa
Bituin na pilit kong iniaabot
Nakatanaw mula sa malayo 'di
Lubos maisip paano?


Sa paanong paraan puso'y tila 
'Di makawala sa sumpang dulot ng
Kabigha-bighaning kinang ng mga
ngiting kay'sing halintulad ng mga 
brilyanteng bihira lamang.


Kasabay ng pagdampi ng damdamin.
Kasabay rin ng pagtibok, ay s'ya ring
paglikot nitong aking puso ikaw
na rason kung bakit nanatiling
damdamin puno ng sigla.