Anong unang pumasok sa isip mo nung nabasa mo ang salitang panahon?
Ulan? Araw? Hangin? ngunit para sa mga umiibig, siguro yung tamang panahon.
Panahon na nga ba? Handa ka na ba?
Ulan… Baka kailangan mo munang patilain ang ulan,
dahil mukhang malakas ang bagyo sa iyong isipan.
Kailangan mong masumpungan ang tunay na Kapayapaan,
baka kapag iyong pinilit, kayong dalawa din ang mahihirapan.
Simulan mo na takpan ang butas ng iyong bubungan,
dahil mas masarap mag-sama sa maayos na silungan.
Araw… Minsan maulan, minsan maaraw.
Paiba-iba ang panahon ngunit huwag sana ang iyong desisyon.
Siya na ba talaga o tumitingin ka padin sa iba?
Ano ba talaga? umiibig ka ba o wala ka lang magawa?
Dahil ang tunay na umiibig ay ginagawa ang tama kahit walang nakakakita.
Hangin… Hindi mo man nakikita pero masarap damhin
parang pag-ibig na nagsisimula sa malalim na pagtingin.
pwedeng mawala, pwedeng lumala.
laging tandaan na ilagay ang lahat sa tama.
dahil ang malakas na hangin ay nakapipinsala,
at ang kawalan naman ng hangin ay mahirap sa pag-hinga.
Panahon. Pana-panahon.
Mag-isip kang mabuti at matutong huminahon.
huwag kang magpaagos dahil madaya ang emosyon.
Ang pag-ibig ay isang malaking desisyon,
na kailangan mong panindigan sa ANUMANG PANAHON at sa HABANG PANAHON.