Ang daling sabihing nalimutan ka na.
Iniwan na lahat nang ala-ala
Hinihiling na sa piling nya
Lubusan kang sumaya
Pero di pa sapat ang oras nga
Para sabihing lipas na
Ang mga sakit na iniwan mo ba.
Nadarama ko pa
Ang jacket mong hindi bagong laba
Pero binigyan ko ng halaga
Kasi sabi mo ako na muna.
Di ko napansin na ang muna nga pala
Ay salitang pansamantala
Sana mas maaga kong nabasa.
Ang mga pakahulugan sa salitang
Narinig pero di pinakinggan
Siguro di mas masakit ang pamamaalam.
Pagkalipas ng dito lang ako hindi kita iiwan.