9½ years na kami ng partner ko and sa maniwala kau at sa hindi, hindi naging madali ang lahat para samen sa loob ng napaka habang panahon.. last month, nag proposed ako para patunayan na wala akong ibang gustong mangyari kundi ang makasama siya habambuhay. And she said, ‘yes!”.
Para sa lahat ng nagkaron ang lamat ang relasyon huwag kayo matakot magsimula ulit, may pagbabago dahil napatunayan ko un sa sarili ko mismo ng magpakatino ako. Matuto lang tayo magpatawad sa isa’t-isa at magtiwala. Piliin nating maging masaya lagi.