Sa church kita unang nakita,
Mga mata mong mapupungay at puno ng sigla,
Tumatak sa puso kong matagal naghintay at nag-iisa
“Sana naman, magpakilala ka.”
Isang araw, sa bookstore, nakita kitang muli.
Sobrang busy sa kakahanap ng kung anu-anong mapipili.
Ako’y napatitig sa iyong maamong mukha.
At sa kakatitig ko’y, ako’y lalong humahanga.
Sa malayo ika’y palaging tinatanaw,
Kahit nasa likod ka, alam ko lahat ng iyong mga galaw,
“Stalker na ba ako?” Ako’y napatanong na din,
Kasi kahit oras ng pag-online mo’y alam na alam ko’t pansin na pansin.
Pag nakakasalubong ka, ako’y yumuyuko.
Nahihiya, di mapakali, parang tuliro
“Ano ba?” Sa sarili, biglang nasambit
“Crush pa ba ito o ako na ba’y umiibig?”
Mapagbiro minsan sa atin ang tadhana,
Tayo ay biglang nagkaklase sa eskwela,
Kung kelan gusto ko ng iwasan ka’t lumayo,
“Joker ka Lord!”, mas lalo Mo kaming pinagtatagpo.
“Tama na, ititigil ko na.”,sigaw ng aking isipan.
“Pero sige pa, asa pa”, sambit naman ng puso kong umaasam.
Ako’y nalilito, nahihilo at di na maintindihan,
Puso at isipan, di pareho ang nilalaman
Sana naman, ako’y iyong mapansin.
Shy-type kasi ako, ayaw kong unang umamin.
Di ako easy-girl, ako’y may standards din.
Nagkataon lang talaga na lahat ng yun, meron ka at ika’y in.
Di ako assuming, ayaw ko ding mag-expect,
Pero umaasa ako na si Lord, ako’y ida-direct.
Oo, crush kita. Oo, crush mo siya.
Pero pag sinabi ni Lord na “ako”, sorry na lang, wala ka nang magagawa.
P.S.
Ipagpepray pa rin kita kahit parang di mo ako nakikita.
Hihintayin ko pa rin ang pag-like and heart mo sa post ko kahit naka-tag lang ako.
Masaya na akong nakikita ka sa malayo kahit alam kong crush mo’y di ako.
Umaasa pa rin ako na balang-araw ako na ang makikita at mapapansin mo…
At sa susunod, meron ng salitang “TAYO”
😍