Ang daya mo
Ang daya mo dahil isang ngiti mo lang nahuhulog na uli
Ang dayo mo kasi pag may mga banat ka yung puso ko tila di na mapakali
Ang daya mo kasi pag tinititigan mo ko hindi ko mapigilang mapangiti
Ang daya mo dahil isang salita mo lang ay agad agad akong tumitili
Ang daya mo kasi pakiramdam ko pinapaasa mo nanaman ako muli
Ang daya naman ng tadhana
Pati ba naman ako pinaglalaruan?
Ba’t ba ganun?
Kung kailan handa na akong kalimutan siya, jan pa siya susulpot
Kung kailan ayoko nang makita siya, jan pa siya nagpapakita
Kung kailan gusto ko nang pagbigyan ang iba, jan pa bumabalik ang lahat nga nararamdaman ko sa kanya
Ay teka di pala bumabalik, nagpapakita lang
Di naman kasi talaga nawala
Sadyang tinaguan lang
Di na rin kasi dapat ipakita
Di na dapat ipagsabi
Tanggap ko naman kasi na hanggang dun lang talaga siguro kami
Pero ba’t ganun?
Ba’t andito ka uli?
Diba umalis ka na?
Ba’t ka pa bumalik?
Dahil ba tama ang aking hinala na hinding hindi mo mahahanap sa iba ang pagmamahal na sa akin mo lang nakita
Dahil ba tama ang aking hinala na hinding hindi ka na makakakita ng tulad sa ‘kin kahit kailan pa
Mahal parin kaya kita
Pero hindi ko muna ipapakita
Hindi ko muna sasabihin sayo dahil pag nalaman mo baka iwan mo nanaman ako
Pahihirapan muna kita
Para maramdaman mo rin ang hirap na pinaranas mo sakin nung ika’y nakahanap ng iba
Mahal parin kita kaya sana ngayon mas makita mo ang aking halaga
Mahal parin kita kahit pinagpipilitan kita sa iba
Mahal parin kita kahit masakit pa
Mahal parin kita at kaya kong kalimutan lahat nga iyong masasakit na nagawa
Ang daya mo dahil kung babalik ka papayag ako
Ang daya mo dahil mahal parin kita kahit ako’y ipinagpalit mo