EVER SINCE hindi kita nakita sa buhay ko. EVER SINCE hindi pumasok sa isip ko na magiging ganito tayo.
Dahil EVER SINCE magkakilala lang naman tayo pero wala ung ganitong TAYO.
Apat na taon ang lumipas maraming naganap sayo at naganap sa buhay ko. Apat na taon ang lumipas ni ha ni ho wala naman tayo dahil magkakilala lang tayo. Kaya nung nalaman kong magkikita tayo dito iba ang naramdaman ko. Kinabahan ako at hindi ko rin alam kung bakit? Siguro kasi matagal kitang di nakita or siguro nasabik ako kasi parehas tayong nasa malayong lugar mula saatin. Pero nung magkita tayo masaya lang, puro tawa at asaran dahil pilit kong inaalala kung nag uusap ba tayo noon o nasan ka noon? O ano bang tawag ko sayo noon? Kasi as far as I can remember we barely talked to each other. Baka nga sa apelido pa tawag ko sayo dahil ganon kapag magkakilala lang e.
Until we got this far, nasundan ung unang kita natin ng pangalawa hanggang sa may pumangatlo at pumang apat. Ung tanghali to hapon na pagkikita na naging umaga hanggang hapon na naging umaga hanggang gabi na ang kita. Ung una once a month lang na naging weekly na ang bisita at pagkikita. May pagpunta pa ng after duty hanggang sa nakilala ka na ng mga katrabaho ko. Ung mga chat nating once in a bluemoon na naging 1-2hrs chat na naging madalas na halos umaga hanggang sa matulog tayo.
Naging comfort friend kita ika mo nga close na tayo diba. Lahat ng heartaches at rants sa buhay alam na natin sa isat isa. Ung mga pinagdaan mo sa ex mo, sa pamilya mo o kahit sa mga katrabaho mo. May sense man o wala sinasabi natin ng walang kahiya hiya. Ultimo pagtae, pag ihi o kahit pag utot kumportable tayong sabihin kasi nga close na tayo diba.
Sobrang saya ko sa company mo at alam ko sa sarili kong unti unti nahuhulog na ko pero naisip ko na hindi pwede kasi alam ko ako lang to. AKO LANG ANG AASA at AKO LANG ANG MATATALO. Ganon talaga siguro e madaling mafall sa taong binubuo mo. Ung tipong kahit sarili mo nga di mo mabuo pero siya pipilitin mong mabuo at maging okay para lang alam mong masaya siya sa piling mo. Unti unti ko kasing nakikita kung gaano ka kasaya kasama, gaano ka mapagmahal, gaano ka kaseryoso at kung ano ano pang pwede kong makita sayo na hindi nila makita.
Dumating na din tayo sa point na ung sending memes natin sa isat isa naging conversation hanggang sa naging GOODNIGHT! I MISS YOU! sa gabi bago matulog at take note may kiss mark at hug emoticon pa ha?
Ewan ko kinikilig na natatakot ako sa nararamdaman ko sayo kasi baka pag hulog na hulog na ko ay iwan mo ko katulad ng mga manloloko sa paligid ko. Natakot ako na ung mga nakasanayan ko sayo biglang mawala ng parang bula o kung gaano tayo kabilis naging ganito ay ganoon din kabilis mawawala ung salitang tayo.
At heto na nga dumating na ung araw na kinakatakot ko. Ramdam ko ang bawat panlalamig mo. Ung mga araw na lumipas natitiis mong di na tayo nag uusap, ung lumipas ang linggo na hindi na tayo nagkikita, ung halos isang buwan na tayong nagpapakiramdaman nalang. Eto na yun, eto na ung buwan na yun. Sabi ko sa sarili ko okay lang keri lang soya lang kasi ginusto ko din naman to ung masaktan ng todo todo kasi ako naman ung pumili nito ung maging tarantado sa sarili ko. Pinilit kong maging matigas pero isang paramdam mo lang naiba ang lahat. Ung isang chat mo lang nababago mo ang lahat. Kasi eto ako e handa akong sumugal para sayo kasi naramdaman kong masaya ako sayo. Pero di ko naisip na walang dapat isugal kasi in the first place wala naman ung salitang TAYO.
Mali kasi ako e, masyado kong sinanay sarili ko, masyado kong pinaasa sarili ko at masyado kong dinepende ang sarili ko sayo. Pero hayaan mo kapag etong tangang to ay natuto ang masasabi ko lang sayo..
Etong AKALA KO MAGKAKASALITANG TAYO ay magiging ALAALA NALANG DAHIL SAYO.