Kapag dumating yung araw na hindi mo na ko mahal.

Maaring bang sabay tayong pumunta sa lugar kung saan tayo unang nagkita?
Gusto ko sanang marinig ulit yung mga kwento mo kung bakit mo ako nagustuhan at minahal.
Maari mo ba akong hagkan? Yung kung paano mo ako yakapin tuwing malungkot ako.
Pakiramdam ko kasi sobrang safe ko.
Sa huling pagkakataon, pwede mo ba akong halikan? Halik na para bang tayo lang ang tao sa mundo.
Tingnan mo naman ako. Katulad nung dati, yung bigla mo na lang akong tititigan tapos sasabihin mo “ang ganda mo naman mahal”.

Pagkatapos, hindi na kita pipigilan. Kung magpapaalam ka na, papalayain kita. Hindi dahil ganun lang din ako kadaling bumitaw, pero kasi, ganun kita kamahal. Pinasaya mo ako ng sobra nung dumating ka sa buhay ko. Naisip ko na pwede pa palang mahalin yung taong hindi na buo. Kaya bakit ko naman ipagkakait sa taong bumuo at nagpasaya sa akin, ang sumaya rin at mahanap yung taong bubuo rin sakanya. Masakit na hindi na sa piling ko, na hindi pala ako, pero kung sa piling ng iba dun ka lubusang sasaya, wala akong karapatang pigilan ka.

Sa ngayon, habang nasa akin ka pa, patuloy kung gagawin ang lahat para sumaya ka.