Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

At ng muli na naman kitang nakita..

Nuon akala ko malabong mangyaring magkasalubong ulit tayo
3 taon kitang hinintay
3 taon akong palaging naag aabang may kanto nyo
nagbabakasakaling
makakasilay sa ngiti mo

kaso di eh,
di kita na tye tyempuhan
hinahanap kita sa friendster nun
at di naman ako nabigo

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


sa loob ng 3 taon
1 beses mo lang akong mabigyan ng mensahe
“Happy New year!” pa
nakaka dismaya kung sa iba
pero para sakin nun sobrang saya ko na,
kasi naalala mo ako

Lumipas na naman ang taon
unti unti akong nakakaramdam ng pagod kaka bantay sayo
nagkausap na tayo
pero sa Facebook na

ang masakit lang dun ay
buntis na ako sa panganay ko
at ikaw ay nagulat din sa ibinalita ko
dun ko na isinuko ang pag asang akala ko
posibleng mangyari

Taon,taon ang lumipas
tinuturuan ko yung puso ko na tanggapin lahat
dahil narin sa anak ko at sa binubuo kong pamilya
naging masaya at kuntento na ako

hanggang sa dumating yung araw na muli kitang nakita
di sa social media
di sa picture
kundi sa personal

Reunion nuon ng barkada naten nung high school
6yrs ang nakalipas
pero sobra parin yung kaba sa dibdib ko
nahihiya parin ako sayo
tahimik parin ako kapag nanjan ka

Naalala ko yun
umiiyak ako
hinatid mo ako ng motor mo pababa
naka angkas ako sayo

gustong gusto kitang yakapin
kaso mali
sabi ko sa sarili ko
maging masaya nalang ako sa ganito
ang maging kaibigan mo

hinayaan ko nalang
yung nararamdaman ko na mapawi
ipina realize ko sa sarili ko na
“dapat akong maging masaya sa lahat ng desisyon mo sa buhay”

susuporta ako mula sa malayo
KAIBIGAN mo nalang talaga ako
pero gusto ko parin sana
bago mo makita yung taong inilaan ng dyos para sayo

eh sana maamin ko din lahat sayo yung totoo
di ako nabigyan ng pagkakataon
dahil wala din akong lakas ng loob
takot ako
natatakot ako iwasan mo ako

Year 2019-present
Mas naging madalas na kwentuhan naten
natutuwa ako na parang nawala na yung kaba at
takot sa dibdib ko sa tuwing kakausapin at
makikita mo

eto na nga ata yung matagal ko ng hinihiling
na tanggapin lahat
maging masaya
para sa taong una kong minahal

sa ngayon alam kong malapit ka ng ikasal
nakakapag usap tayo ng walang ilangan
nakikita kita na parang usual na tropa ko lang
pero pinapangiti ako dahil sa lahat ng bagay
na narealize ko habang sinusundan yung kwentong to

Sobrang saya ko para sayo,para sa inyo
Nakita ko yung purong ngiti ng unang taong minahal ko ng lubos nuon ng palihim

OO palihim kitang minahal
pero ngayun masaya akong
masabi ko sa lahat
na MAHAL kita bilang isang kaibigan

Ang hiling ko na sa ngayon para sayo ay,
sana mahalin ka nya
at di ka susukuan sa lahat
maging successful sana ang relasyon nyo
para sa darating na future nyo.

At huwag kang mag alala patuloy akong nandito
kapag kelangan mo ng tulong at suporta 🙂

Hanggang dito nalang,
Nagmamahal

lhady dhisizhais

Send me the best BW Tampal!

* indicates required