Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ako nga pala ang babaeng minahal mo
Minahal mo ng todo
Na laging nagbibigay saya sayo
Laging nakikinig sa mga kwento mo

Pero ano ang ginawa mo?
Ako’y iyong sinaktan at iniwan
Kung saan ako nagseryoso ikaw naman ang nagloko
Minahal mo ba talaga ako?

Naaalala mo pa ba?
Yung mga kulitan nating dalawa?
Na nagpapaalala kung gaano tayo kasaya
Noong mga panahong tayo pa

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Sa mga ngiti mo’t tawa
Habang tayong dalawa’y magkasama
Hindi maikakaila na ika’y masayang-masaya
Basta’t magkasama tayong dalawa

Akala ko tayo na hanggang dulo
Pero naudlot ng hiwalayan
Sabi mo mahal mo ako
Pero bakit ganito?

Tiwala, pagmamahal at oras binibigay ko lahat
Ano ba ang dahilan upang ako’y iwan at saktan
Kulang ba ang oras at pagmamahal na aking ibinigay?
Kung ganoon, sana hindi nalang kita minahal ng lubusan

Kung sakit lang naman ang iyong ipaparamdam
Kaya naman, salamat nalang sa mga oras na iyong nilaan
Salamat sa sandaling saya na iyong pinaramdam
At salamat sa lahat-lahat ng pagmamahal mong ibinigay

Na sana maging masaya ka sa iyong paglaya
Na mahalin mo siya nang sobra-sobra
Na dapat mong ipadama
At huwag nang humanap pa nang iba

Ako’y magiging masaya
Kung ika’y masaya sa piling niya
Kaya naman hanggang dito nalang
At handa na kitang kalimutan, paalam.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required