Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sila yung mga palaging nandiyan
para ako’y damayan,
Sila yung mga taong handang makipaglaban upang ako’y maipagtanggol lamang,
Sila yung mga handang manatili sa tabi ko kahit walang kailangan,
Nag away muna bago nagkakila-kilala
hanggang sa hindi inaasahan
ang samahan ay umabot na ng maraming buwan,
Sa bawat minuto,segundo na sila’y kasama ko,
Tila bang nakakalimutan ko yung mga problema ko,
Kahit saan-saan kami nakakagala kami ay laging masaya,
Tawa,lungkot,iyak,harot at libog ay aming pinagsasaluhan,
Ganyan kaming magkakaibigan.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required