Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

June 6,2007

tandang tanda ko pa.
unang kitang nakita sa loob ng room
unang araw ng pasukan
3rd year high school

Di ko makakalimutan lahat,
lahat sariwa sa isip ko.
Kung paano mo ko tinignan papunta sa pwesto ko,
habang hawak ang attendance sheet dahil
nag aayos ako ng listahan natin nuon bilang sekretarya ng buong klase naten.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Tinawag ako ng isa nating ka klase
akala ko para saan,
yun pala sinabing tinatanong nyo pangalan ko
akala ko pinagtri tripan nyo lang ako.

pero makalipas ang ilang bwan,
tropa mo na ako 🙂
isang grupo tayong magkakaibigan
sa loob ng isang kwadradong puting silid

Wala pang mga sari-sariling upuan,
at kapag mag filipino subject na nuon
mag aayos na tayo ng sari-sarili nating
seating arrangement

syempre nakatabi kita kasi magka lapit ung apelyido naten
hanggang sa naging close naman kita
medyo tahimik lang ako palagi sa loob ng room
kunwari Maria Clarang tunay

Akala ko kasi dahil dun magugustuhan mo ako,
kaso di ganun ang nangyari eh,
naging Girlfriend mo yung isa nating kaibigan sa grupo.
Kaya ang ending ko S A W I.

Pero yun din naman ang gusto kong mangyari
dahil ayokong matapos ang pagkakaibigan naten at mailang ka sakin
OO, aamin ako pero di ako sigurado
kung parehas lang din ba tayo.

Araw-araw nagsusumikap akong pumasok
dahil alam kong makakasama na nman kita,
makita ko lang na ngumiti ka
sandamakmak na yung kilig ko sa dibdib ko

Kung maalala mo nga lang sana
kung bakit nuon palagi akong maaga pumasok sa school
dahil may dahilan
yun ay para maisave ko yung upuan nating dalawa.

Nagdala pa nga ako nun ng plais ee
hahahah para lang maipulupot ko yung alambre sa upuan naten
may mga nilagay pa akong pangalan
ayoko kasi maunahan ka ng iba at mangalay nakaupo lang sa sahig.

Naalala ko pa nuong nagka sakit ka
nilalagnat ka nun,
sobra pag aalala ko sayo
nilagyan ko ng bimpo yung noo mo

Eh kelangan naten lumipat ng room nun
kasi Computer related na ung subject naten
di kita maiwanan
nakatungo ka lang nun,

Araw araw akong patagong tinititigan ka
sa twing tumatawa o ngumingiti ka
ang cute ng mga ngiti mo
nakakawala ng pagod at inis 🙂

Then dumating yung araw ng field trip natin sa school
Gf mo na yung friend ko,
gustong gusto kong umepal
hahahah kaso mahal ko kayo pareho

kaya nanahimik nalang ako sa likuran nyo
naka suporta lang sa bawat lakad nyo
sumasabay sa pagtawa nyo
pero sa totoo lang sobrang sakit na ng nararamdaman ko.

hanggang sa nagkaron ako
ng pagkakataon ma kasama kita ng solo
hindi kana pinili munang samahan
dahil ramdam mo yung pagod sa buong araw nateng paglalaboy

nakatabi kita,
di ko malilimutan yung
ika -16 ng septyembre 2007
mga bandang alas 7 ng gabi

sa taas ng lovers wheel (ferris wheel)
sa loob ng enchanted kingdom
sta rosa laguna
nakasama kita sa buong ride na yon

sobrang saya ko
habang kinakausap ko ng pabulong ang sarili ko
“ang swerte ko,nakasama at nakatabi din kita”
bago matapos yung araw na sulit ko din lahat

hanggang sa malapit ng matapos ang school year natin
wala akong kaalam alam na lilipat ka na naman ng ibang school
super iyak ko nun
dahil alam kong di na naman kita makikita

at yun na ang huli na nating pagkikita,
after mong magpa clearance sa school

dami ko nakaligtaan
ang JS prom
na dapat ikaw sana ang 1st dance ko
ang science camp
na buong magdamag kitang nakasama pero
katabi mo din sya
at ang mga kwentuhan,asaran,kulitan natin
sa loob ng classroom

duon ako nangako sa sarili ko na
anuman ang mangyari
hihintayin kita
at hahanapin kita
balang araw..

Send me the best BW Tampal!

* indicates required