Mas lalo akong naging masaya ngayon,
At ako ngayo’y pinagbigyan mo,
Hayaan mong iparamdam ko sa’yo,
Ang tamis ng aking puso.

Lilikha tayo ng mga alaala,
Kahit saan man tayo gumala,
Ikaw lang basta ang kasama,
Titibok ito ng walang sawa.

Ang akin lamang ay huwag kang manawa,
At mag-isip ng mga hindi magaganda,
Nais kong ibigin ka at dumating ang araw na,
Aantayin kita sa altar hanggang tumunog ang dambana.

Ramdamin mo ang aking nadarama,
Ikaw lang ang iibigin, oh aking Ana.
Eh alam mo naman kung gaano ang aking paghanga,
Cute na cute ka pa sa aking mata! (HAHAHA!)

Aalagaan palagi kita,
Rumupok man ang ating mga katawan,
Mas marami pa akong kayang gawin,
Eh paano, mahal na mahal na kita.

Nasa simula palang tayo ng ating istorya,
Hanggang umabot sa walang hanggan,
Edad man ang ating hinaharap,
Responsableng katuwang ako sa buhay na mahirap.

Nandito lang ako lagi,
Aantayin kita hanggang ako’y magwagi,
Nawa’y kahit anong mangyari,
Di ko hahayaang mawalay ka pa sakin,
Eh paano? Ako sayo’y sakim.

Zero budget man kung minsan,
Ready pa din kitang pagsilbihan,
Ewan ko kung bakit, pero ikaw lang;
Sinisigaw ng aking puso hanggang sa kawalan.

Mamahalin kita magpasawalang hanggan,
Aking sinisinta.

Nagmamahal at magmamahal pa,
Bumbum mong lubos pang humahanga. 💛