Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.


Nakakapagod Din Pala

Nakakapagod din palang ipagpilitan ang sarili ko sa’yo

Kahit alam ko namang sa dulo ako lang din naman ang talo

Nakakapagod din pala ang pakiramdam na hindi magustuhan

Dahil sa simula pa lang alam ko na ang turing mo lang sa akin ay hanggang isang kaibigan

Nakakapagod din palang ako lang yung interesado

Sa buhay mo, sa mga gusto mo, at sa araw-araw mong estado

Nakakapagod din palang maghintay at umasa

Hindi ko mapigilang sumagi sa isip ko na baka pwede at maaari, sa sarili ko, ako lang din pala ang nagpaasa

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Nakakapagod din palang ipagsiksikan ang nararamdaman ko

Sa utak at puso mong wala namang pakialam dito

Nakakapagod din naman talagang panoorin kang umiiyak

Habang wala akong magawa para pawiin ito at muli kang magalak

Nakakapagod din palang maging masaya nang hindi ikaw ang kasama

Kung pwede lang ikaw ay mapasaya kahit alam kong hindi ako tama

Nakakapagod din palang habulin ka, habang humahabol ka sa kanya

Dahil kahit anong takbo at habol ko, alam kong hindi ka sa akin liligaya

Send me the best BW Tampal!

* indicates required