Am I unfruitful?

Gusto mong umiyak kasi punong puno ka ng pangamba ng mga sandaling iyon. Hinihinga mo na lang yung mga takot at mga plano mong ang layo sa pinangarap mo. Nililibang mo man yong sarili mo kaso wala ka nang mahugot na lakas para itakwil yun sa isipan mo. “Wala nang nangyayari sa buhay ko”, takot mong bulong. Parang relong naubusan ng baterya, tumigil. Araw-araw man akong humihinga at nagagawa lahat ng mga paulit-ulit na bagay para parin itong gulong ng sasakyan na nasadlak sa putikan. Ang bawat araw ko ay tila pahina sa kalendaryo na tuwing katapusan ay pinupunit. Nasasayang lang.Walang nangyayri. Walang bunga na inaani.

Pumikit ka. Pilitin mong pumikit at ibuhos lahat ng pangamba sa Kanya. Nakikinig Siya ,sa palagay mo lang hindi. Nakakalimutan mo lang magtiwala. Andami mo kasing iniisip , mga problemang hindi pa nangyayari na binubuo mo na agad sa isipan mo o mga napakababaw na hangaring personal na iniimbak mo sa puso mo. Bakit kaya hindi mo isipin yung mga bagay na pinagdarasal mo lang noon at ngayun ay halos makalimutan mo nang ipagpasalamat. May nakamit ka na. Nakalimutan mo lang kung anu yon o kung saang banda ng buhay mo yon. O baka kahapon lang nga e , nasapawan lang. O baka kasi di yon ayun sa gusto mo.

Hindi tayo kelan man pinabayaan at pababayaan ng Diyos. May ginagawa ka at ganoon din ang Diyos. Sa bawat araw na bumabangon at lumalaban ka ay papalapit sa katuparan ng katangi-tanging pangarap at pangakong binuo Niya para lamang sayo. May mga bagay na ukol para sa atin at ginawang sagana para sa atin. Sapagkat para tayong puno na hindi hahayaan ng Panginoon na hindi mamulaklak o mamunga.

See this verse 2 Peter 1:8 .

Leave a comment

Exit mobile version