Mahal kita.
Dalawang salita, na una’y di ko maibigkas at tanging nalabas ay ang ingles na salita. Ngunit iba pala kapag nasa sariling wika, mas nahuhugot sa totoong ibig ipahiwatig ng puso ang halaga ng salita. Mahal kita, na sa bawat bigkas mo nito’y, mas ramdam kong mahal kita. Ngayon, ako naman, gusto kong iyo’y madama ang salita kong mahal kita. Mahal kita sa bawat araw na ginawa ng Maykapal, hinuhugot sa panahong ako’y tinuruan kung paano magmahal.
Judiii Mahal kita.
Mahal kita sa bawat oras at panahong narito ka o wala man saking tabi.
Ako’y ri’y nagpapasalamat na sinisigurado mo’y puno ng iyong pag-ibig bawat sandali. Judiii, ang lalaki na sa sampung taong tulog na puso – iyo ay ginising para ika’y makapiling.
Ngayong oras na binabasa mo ito, humihingi ako ng tawad. Patawad sa mga panahong sinubok ako ng panahon para pagkaingatan ang iyong puso. Patawad sa mga pagkakataon na ito’y kumirot at pagmamahal mo’y gumusot. Hindi ko ibig sadyain ang mga bagay na aking nagawa para ika’y magdesisyon na ikaw muna’y mawala.
Sinabi mo sa iyong tula na ibinahagi, “puso mo’y ingatan sa konting kibot ito ay marupok”, sana iyong mabatid na hindi ko yun ninais saktan, ako rin lamang ay may malambot na puso, ngunit gayunpaman, gusto kong iyong malaman ika’y mahal kita.
Kung sa isa pang pagkakataon, handa ako gawin ang mga planong binigyan natin ng anggulo, ating mga inukit sa isipan hindi para bumuo ng sariling mundo ngunit makita natin sa dulo’y merong ikaw at ako.
Walang pagdadalawang isip na mahal kita.
(Photo not mine – from Pinterest)