Masakit na tanong ng mga taong nakapaligid sakin.
Tingin nila wala akong karapatan na masaktan dahil sya’y may iba na.
Oo, Hindi naging kame.
Umasa lang ako sa bagay na akala ko, pwedeng mangyari.
Ngayon malinaw na ang lahat,
Sapat na dahilan na yun para umusad na naman akong muli.
Pero para sakin ang pagmo-move on ay hindi lang sa dalawang taong nagkaroon ng espesyal na relasyon.
Yun ang akala ng iba.
Pero para sa’kin pwede din yun sa mga taong, umasa, pinaasa, nasaktan, nanakit, iniwan, nangiwan. Teka ano pa bang kulang?
Hindi naging kame, pero “parang” naging kame ang madalas na dahilan ng taong “umasa” sa mga taong “paasa”.
Nag-umpisa sa simpleng yaya na lumabas, hanggang sa napadalas.
Hanggang sa naging gasgas na ang mga tanong na pilit sinasagot ng taong “umasa”.
Oo, hindi naging kame.
Naging matapang lang ako na harapin ang maaring posibilidad ng tinahak kong daan,
Kahit walang kasigaraduhan.
Pilit kong winaksi sa isipan ko ang mga bagay na alam kong nakasakit na pala sakin.
Oo, hindi naging kame.
Maaring naging mahina ako sa mga bagay na bago lang sa’king paningin at pakiramdam.
Hindi mo ko masisisi.
Dahil naging masaya ako, kahit hindi malinaw ang lahat.
Kahit hindi naging kame.