Current Article:

Bakit ng Isang Babaeng Hindi Pinipili

Bakit ng Isang Babaeng Hindi Pinipili
Categories Relationships

Bakit ng Isang Babaeng Hindi Pinipili

Bakit may mga taong mang-iiwan tapos babalik? Mang-iiwan na naman tapos babalik ulit. Hindi ba nila naisip yung taong binabalik-balikan nila eh umaasang kahit sa isang balik ulit ay hindi na ulit maiiwan pa? 

Minsan napapaisip na lang ako kaiwan-iwan ba ako?

Ano bang mali sa pagkatao ko?

Kailan ba ako magiging priority?

Hindi yung lagi na lang ako yung back-up kapag malungkot sila o kaya walang makausap, at hindi yung lagi na lang ako yung second choice kapag hindi sinagot ng bagong nililigawan dahil masyadong pihikan. 

Ang hirap maging available, kasi alam nilang isang text or chat lang eh magre-reply na agad ako. Isang cheesy joke lang eh, iisipin ko na namang baka gusto ulit ako. Pagkatapos kinabukasan, pagkagising sa umaga aasa na naman akong pagbukas ko ng phone eh may good morning na bubungad sa’kin, pagkatapos ay may emoji pa. Then suddenly, mare-realize ko naging tanga na naman ako. Umasang totoo ng babalikan ako sa oras na ‘to.

Hindi na naman pala.

Iniwan na naman pala ulit ako.

Kailan ko ba mararanasang ako naman yung uunahin?

Yung ako naman yung pipiliin sa huli, kasi suddenly mare-realize nila na worth it ako, na hindi ako dapat yung iniiwan at binabalik-balikan lang dahil mas may deserve pa ako keysa sa ganoon lang.

Gusto ko ako naman yung paggugulan ng oras at panahon dahil sa simula pa lang hanggang ngayon, hindi ko na naranasang ako naman yung piliin at pangakuan ng mga salitang alam kong panghabang panahon. 🙁