Di porke masaya, okay lahat.
Di porke umoo, ayos lang.
Di porke ngumi-ngiti, okay lang.
Yung okay, di talaga okay
Di porke hawak mo kamay niya
Nakakasama mo siya, nayayakap mo
Okay lahat lahat.

Di porke masaya ka ngayon, walang problema,
Okay agad.
Malay mo di okay kay God.
Di pwedeng basehan yung linya natin na ‘Masaya kami’
Di pwede yung pwede na.
Kasi di papasa yung dahilan na yon pag nasaktan ka.

Di ka nilalaan ni Lord don sa masaya ka lang.
Ilalaan ka Niya sa taong ‘TAMA’.

Don sa taong tama kayo magsisimula.
Yung rerespetuhin kung ano ka.
Nakalaan ka para sa taong tama yung pagdadalhan sayo.
Yung dadalhin ka kay Lord.
Don kase, tama.
Don nagiging tama ang lahat.

Di porke nagdadasal at nagsisimba
Magiging spiritually healthy relationship ninyo.
Hindi ganon.

From the very start, you have individual spiritual life na kailangan nyong pahalagahan.
Dahil pag pinabayaan nyo yan.
Parang bagyo ang buhay ninyo.

Kung ang isa’t isa pinahahalagahan, iniingatan ninyo.
Dapat yung relasyon kay Lord, mas unang iniingatan.
Mas maganda na sentro Siya ng lifestyle at lovelife niyo.

Mas healthy.
Mas masaya.
Mas blessed.

Pero di porke si Lord ang sentro ng buhay nyo,
Perpekto lahat.
You will live up a perfect life with the Lord; pero di kayo perfect.

“Seek ye first the kingdom of God and His righteousness and all these things shall be added unto you.” Matt. 6:33

❣️