Higit Pa Sa Kahapon

Minsan Di Maintindihan

Bakit Kailangan Pa Magkasakitan

Iiwanan ang Lahat, Hindi Naman Dapat.

Kulang ang Araw Pag wala Ang Iyong Ilaw

Kulang ang Gabi Pag Di Ka Katabi

Kulang ang oras, Bakit Kailangan Pang Umiwas

Magkikita Din Muli Babalik Ang Ngiti…

Matutuldukan Lahat ng Away,

Basta’t si Hesus ang Ating Gabay

Magkikita Din Tayo, Aayon ang Panahon

At Magmamahalan Higit Pa Sa Kahapon.

 

Exit mobile version