Minsan, ang pagiging matapang ay hindi pagsagip ng buhay ng iba kapalit ang buhay mo.
Minsan ang pagiging matapang ay ang pagbangon araw araw na kaya mong harapin ang mundo kahit hindi mo gusto. Ang katapangan ay nasa pagsikap mong kumbinsihin ang sarili mo na hindi naman ito ang katapusan at ang makumbinsi ka na hindi natatapos ang buhay dito (sa kung anuman ang pinagdaraanan mo), maraming oportunidad, maraming pagsubok, at isa lang ito sa lahat ng ‘yon.
Hindi mo kailangang maniwala na sa loob mo eh, palaging may mga bituin at galaxies na bumubuo sa’yo. May ibang mga araw na ang himala ay kalechehan lang. Minsan, marealize mo lang na humihinga ka pa at hayaan mo lang na huminga ka pa ng mas matagal ay sapat na. Iyong pagbilang mo ng bawat paghinga mo, at huminga ka pa ng huminga ay okay na.
Gaano man ka-shit pakinggan, pero iyong mabuhay ka para sa sarili mo ay sapat na.
Iyong tulungan mo ang sarili mong umalis sa lecheng sistema ay sapat na.
Ang mabuhay ka lang, ang mag-exist ka lang ay sobrang sapat na dahil importante ka.
Kaya sa susunod na hihiga ka sa kama mo at maisip mo iyong kahalagahan ng existence mo, sana maalala mo na ang pagiging matapang ay hindi ang pagsagip sa buhay ng iba, minsan ang sagipin mo ang buhay mo ay sapat na.