Marami sa atin (babae) ang gustong maging prinsesa. Maraming nangangarap ng isang prince charming at ang storya’y mauuwi sa happy ending. Maraming may gustong mamuhay kasama ang taong laman ng ating mga dalangin at marami din sa atin ang hindi man lang gumagawa ng hakbang upang ito’y danasin.

Hindi madali ang tungkulin ng prinsesa. Hindi rin madali upang maging
isa tayo sa kanila dahil nakakabit doon ang lahat ng responsibilidad at karakter na hindi nagagaya ng kung sino lang.

Hindi madaling mahuli ng isang palaka ang loob ng isang prince charming. Prince is for princess ika nga nila. At yun naman talaga siguro ang nararapat.

Hindi lahat ng bagay madaling nakukuha. Karamihan ay pinaghihirapan at pinapahalagahan. Umasal kang parang prinsesa at hindi parang isang palaka. Alamin mo kung sino kang talaga.
Mahirap man maging prinsesa sa mundong ito ngunit prinsesa ka sa MAY GAWA sayo.
Hindi mo kailangang ikumpara ang sarili sa iba. Naiiba ka. Nilikhang nag-iisa at walang kapareha.

Be a princess if you want a prince.
Act like you do and he will notice you.
If not, then someone out there is waiting and praying for you to be his forever.
A prince who is meant for you ONLY. A prince and not a frog.

P.S. Don’t try to change a frog. If he wants to be a prince then he’ll make efforts to become one. Our duty is to be pursued and not to change them.