INUM

No, this is not about me drinking nor sharing a broken heart’s sorrow. This is about knowing the answer to a question. This is my first time posting something like this so pardon me. Besides, it’s impromptu.
————–
Bakit nga ba tayo umiinom? Hindi ng tubig, juice, softdrinks o kung ano pa man. Wag kang pilosopo dahil obvious naman sa larawan.

Bakit nga ba tayo umiinom? Hindi ko din alam nung una kasi parang tanga lang diba? Iinom, malalasing at magsusuka. Pero kung iisipn mo, kelan ba tayo nagiinuman? Diba kapag may okasyon, outing o kaya’y reunion ng barkadahan?

Bakit nga ba tayo umiinom? Tingin ko dahil sa inuming ito, nailalabas ang tinatago ng puso at isipan. Nagpapalakas daw kasi ng loob ang alkohol kaya kahit ang duwag nagtatapang-tapangan. Pero kelangan pa nga ba ng alkohol para lang maibulalas ang salitang tinago dahil sa takot na may masabing mga salitang pagsisisihan? Tama man o mali, masakit man o hindi, wala tayong magagawa dahil tanging komunikasyon lang ang makakatulong upang tayong lahat ay magkaintindihan.

Sa yugtong tayo ay nagusap at nagpaliwanagan, makukuha mo ang sagot sa tanong na kay tagal mo nang gustong malaman. Komunikasyon ang susi sa pagitan ng mga taong may aksyon na hindi naiintindihan. Dapat buksan ang tenga at bibig upang ang ibig iparating ay maunawaan. Sa isang banda, posibleng ring tayo’y nagiinuman for the sake of having fun. Pero sa susunod na ‘yon kasi ang haba na masyado ng tinype kong kalokohan. 😀

Exit mobile version