Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Masyado ka ng abala sa mga bagay na walang kwenta
Nakalimutan mo na yata kung sino ka ba talaga
Isa kang Kristyano sa paningin ng iba
Ngunit sa akin para bang hindi na

Panahon mo sa akin, nauubos na sa social media,
Masyado ka nang nahuhumaling sa larong moblie legends na wala namang kwenta
Napapasama ka na din sa hindi magandang barkada,
Pwede bang sa akin ka nalang sumama?

Salita ko’y kinakalimutan mo na
Pagdarasal hindi mo na din nagagawa
Relasyon natin pinabayaan mo na talaga
Ngunit kahit ganon inaantay pa rin kita.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Nandito ako natayo, inaantay ang pagbabalik mo
Para tuluyan ka ng manatili sa tabi ko
At sanga moy tuluyan ng lumago
Dahil isa lang naman ang gusto ko ang manatili ka sa piling ko.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required