Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ayoko na.
Mga katagang kayhirap bitawan,
kahit alam mong wala ng patutunguhan
di bale ng sarili ay nililinlang
sa pagmamahal na walang kasiguraduhan.

Kailan ka hihinto sa kahibangang bumabalot sayo?
kahit alam mong hindi ka nya gusto;
Pilit ka parin nagsusumamo
wag lang siya mawala sa piling mo.

Durog na durog na pati pagkatao mo
sa taong di naman nararapat sayo
bakit hindi tanggapin ang totoo
na kahit anong gawin ikaw parin ang talo.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Masaya ka man na kasama mo siya ,
ngunit di maikukubli na nasasaktan ka na.
Pagkat hindi naman ikaw ang mahal nya
Turing lang sayo ay kaibigan lang pala.

Sanay dumating ang araw na iyong tanggapin,
Na kahit gaano mo pa siya mahalin
Kung kaibigan ka lang talaga sa kanya
Kailangan mong tanggapin na di kau para
sa isat isa.

 

09.05.022

Send me the best BW Tampal!

* indicates required