Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

May dalawang klase ng kaibigan meron ako. Kung hindi ka nila uutangan, bebentahan ka naman nila. Pero bago ka nila bentahan, kukuwentuhan ka nila ng pagkahaba-haba —yun pasasakitin ang tyan mo sa kakatawa hanggang sa gagawin na nila pinaka-motibo nila.

Sa isang banda, bago ka man utangan, ikukwento nila sa yo yun pinakamasakit sa buhay nila. Ayun! Maaawa ka naman dahil sa pinagdadaanan nila at kinabukasan, kailangan na naman nila ikaw utangan. Ano kayang tawag sa dalawang tao na ganito? Kapag hindi mo na sila pinagbigyan, parang ang laki na ng kasalanan mo sa kanila. Sila pa may gana mang-cancel sa yo. Funny di ba?

Alam ko naman hindi fair ang buhay. Naiintindihan ko naman mga trabaho nila.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pero hindi ba nila maihiwalay yun trabaho nila sa relasyon namin? Nakakalungkot pala mawalan ng kaibigan. Mas masakit pa sa mga naging break-ups ko sa mga ex-BFs mo. Sa true lang. Parang mas matagal yun healing.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required