Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Gusto kong ibalik ngunit di na maari pa 
Dahil sa sobrang sakit niyang pinadama
Sana di nalang naramdaman 
Sana di nalang sinimulan.
Limutin ang nakasanayan 
Upang mapawi ang kalungkutan 
Ginawa ng lahat ng paraan 
Bakit di mawala sa aking isipan? 

Pagod na nga akong matuturing
Sadyang puso ay di lang magising 
Katotohan ang tanging hiling 
Ng pagtingin sa iba mabaling 

Ako ba ay maghihintay pa? 
O kakalimutan ko nang andyan ka?
Ang iyong presensya sa aking isipan ay naiwan pa 
Paano na kaya?

Send me the best BW Tampal!

* indicates required