Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Pinagtagpo ng orasan
dalawang mga puso 
Sa panahon na di alam
at malapit ng sumuko

Mga tanong sa isipan
masagot ba ng orasan 
bakit nga ba pinagtagpo
sa panahon na di alam

Lumakad at mangusap
lumaban ng mag isa
mangaral at umibig
ng hindi nababalisa

Sa malalim na salitang
hinuhulog ang puso
mga kamay ng orasan
tumutulak palayo

Unti unting naglaho 
segundong pag suyo
mga araw at buwan
ni hindi mag tagpo

Sa pag ikot ng oras
patakbong lumayo
hindi napantayan
tibok ng oras at puso

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required