Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hindi pala ibig sabihin na kapag ikaw yung nanatili ay ikaw rin ang pipiliin. Diba’t palagi nilang sinasabi na piliin mo yung taong bumabalik? Bakit hindi maisip na mas karapatdapat piliin ang taong nanatili’t di umalis?

Pasensya ka na, umasa ako. Pinanghawakan ko masyado ang salita’t kilos mo. Takot kasi ako sa pagsisisi. Pagsisisi kapag di ako naniwala sayo. Kaya sa panahong iwan ka niya uli, bumalik ka lang sa akin, nagbabakasakaling sa oras nato, manatili ka na at ako na ang mapili.

Sinubukan kong samahan ka mula sa ibaba hanggang sa malapit ka ng makarating sa taas. Sinubukan kong ipaalala sayo araw araw kung gaano ka kagaling at kung gaano ka karapatdapat sumaya. Sinubukan kong iparamdam sayo na kahit kelan, hindi kita iiwan. Mali ako. Akala ko sapat na’yon para ako ang piliin mo, akala ko sapat na’yon para samahan mo hanggang dulo, akala ko sapat na’yon para hindi na maiwan at mabalewala mo. Mali ako.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Unti-unting bumabalik ang sarili kong nadatnan mo. Yung sarili kong wala ng kulay at wala ng tono. Yung sarili kong niloko at nilinlang ng marahas na mundo. Yung sarili kong durog pero nagawa mong mabuo. Nagawa mong mabuo paunti-unti. Paunti-unti mong pinaramdam sa akin ang masasayang parte ng mundo. Sa araw araw na ikaw ang kasama ko, nabuo muli ang sarili ko.

Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali. Hindi ko alam kung nagkulang ba ako o sadyang hindi mo lang ako mapagtanto. Natakot ako. Natakot akong dumepende sayo. Natakot akong panghawakan kung ano ang kinikilos mo. Natakot ako’t sa huli ay sising-sisi. Sising-sisi na sana ginawa ko pa lalo ang nararapat para di ka mapagod sa akin at ikay manatili.

Ngayon, hindi ko na alam ang nangyayari. Durog na durog na ako, sirang sira na ako. Ganito pala yon, mas masakit kapag ang taong tumulong sayong bumangon ay siya ring magiging dahilan ng pagkasira mo. Naguumpisa ng dumilim ang araw ko. Ang araw kong binalik mo ang saya, ang araw kong binuhay mo, ang araw kong pinaliwanag mo.
Kapag ganito kadilim ang araw ko, liwanag mo ang kailangan ko. Liwanag mo ang kailangan ko.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required