Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

 

I came from many heartbreaks. The reasons? Because they fell inlove with the other person; my best friend, their best friend. Because of a Third Party.

First, i blame myself. Inisip ko na baka ako yung may problema. Baka nasasakal sila? Baka nagkulang ako? Baka nasobrahan ako? O baka masyado akong naging mabait.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Then I’ve met you boyfriend. I’ve been single for many years. Akala ko matapang na ko. Akala ko di na ko marupok. Alam kong may girlfriend sya that time. Pero sabi namin nung panahon na yun “wala kaming ginagawang masama” dahil magkaibigan lang kami. Actually I’ve supported his relationship with you. I gave him advices on how to fix your misunderstanding (because as a lady alam ko yung pinaghuhugutan mo bat ka nagkaganyan) i fell inlove with your boyfriend but i didn’t tell him.  Ayoko sanang lumabo yung relationship nyo ng dahil sakin. Pero dumating yung araw sinabi nya na gusto nya ko. Sinabi nya na mahal nya ko. Sinabi nya sakin na matagal nya ng gusto makipaghiwalay sayo.

Pressured sya at takot sya. Pressured dahil may mga bagay ka na gusto ng mangyare na hindi pa sya handa. Takot sya dahil tinangka mo daw kunin yung buhay mo nung sinubukan nya makipaghiwalay sayo dati. Hindi ko alam kung totoo yung mga sinabi nya pero naniwala ako.

Masaya kami ng ilang buwan. Then i realized mahal ko talaga sya. Ahas ako. Aminado ako. Napakaselfish ko. At pumayag ako sa ganung set up. Then isang araw na realize ko at nakita ko..

Niloloko nya din pala ako.

I’ve been honest with him. Pumayag ako sa ganung set up dahil naniwala ako, nagpakarupok ako, nagpakatanga ako. At ang gusto ko lang na kapalit maging honest sya sakin. Willing akong maghintay hanggang sa pagbalik nya. Hanggang sa maayos nya yung problema sayo. Sabi nya makikipaghiwalay sya ng maayos sayo at hindi na sya maduduwag. Ayoko lang na ma gaya sa inyong dalawa na takot syang iwan dahil sa takot at awa. Pero isang araw nalaman ko na hindi lang pala ako. Hindi lang pala ako ang sinabay nya habang kayo.

Hindi ko alam na expert pala sya.

Alam ko. Karma ko to. At humihingi ako ng tawad. Hindi ko man masabi sayo ng personal pero I’m sorry.

Pero girl, hindi ko man alam kung totoo ang mga sinabi nya pero..

Sana wag mong kunin ang buhay mo ng dahil lang sa kanya. We deserve better. Hindi mo kailangan ng basura na katulad nya sa buhay mo.

Alam mo na palang niloko ka, sana you didn’t let your guard down. Okay lang na pinatawad mo sya. But don’t you think na di na nya uulitin? Naiintindihan kita kasi mahal mo. Pero pano naman yung sarili mo?

Sayang, sana di ako naging third party. Baka naging magkaibigan pa tayo. Nagsisisi ako na sumawsaw ako sa relasyon nyo.

Yes. I was once a third party. Judge me all you want. But i am really sorry.

Sana pag isipan mong mabuti. Kung itutuloy mo o hindi. Kung magpapaloko ka pa ba o magpapakatatag ka.

Sa mga third party, pag isipan nyo ding mabuti. We deserve to be the only one and not just an option. Don’t lower your standards dahil lang sa mahal mo sya. Isipin mo pano kung sayo naman mangyare yan? It’s not too late.

Yes. I’m fell inlove with your boyfriend. And i am really sorry.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required