Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Para sa mga taong ginawa kang option sana nakita nila yung hinahanap nila kahit na ginawa ka lang stepping stone, yung tinuruan mo sila kung paano maging matino pero sa ibang tao nila inapply hindi sayo, they say doesn’t mean they become right for the person they are with right now e magiging tamang tao nadin sya para sayo.

Ikaw oo ikaw, malaman mo sana na di madali magbigay ng isang parte mo para buoin lang kung ano mang pagkukulang meron sya, na kung tutuusin hindi ikaw yung gusto niyang bumuo sa kanya.

Sana matutunan nyong wag puro bigay ng bigay hayaan nyo silang idiscover at ifix yung pagiging magulo nila sa buhay wag nyo hayaang pati kayo maguguluhan. Huwag ka magpagamit ’cause you deserve better!

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Panindigan mong marami pang mas magmamahal sayo kesa magsettle ka sa kung ano lang yung pinanghahawakan mo ngayon kase hindi mo naman alam kung kelan ka bibitawan.

Sabihin na nating marupok ka pero naman if you keep letting people to hurt you ikaw na mismo yung nanakit sa sarili mo by letting them break you again.

Maglagay ng boundaries dahil hindi mo obligasyon na iparealize sa kanya yung halaga mo, if you mean something maaappreciate at maaappreciate ka ng taong may pake talaga sayo, at kung hindi stop it kase dun ka mas lalong mawawalan ng self worth. Masyado ka ng durog wag mo na idonate pa yung kung anong natitira sayo!

Sumugal ka nung una walang mali sa pag take ng risks pero kung susugal ka ng susugal sa laro na alam mong ikaw yung talo baka panahon na para malaman mo na the game is over kahit may 3 lives ka pang natitira para ipagpatuloy,patuloy ka lang din masasaktan.

Hindi sila yung taong dapat mong pag aksayahan ng oras, be with friends , be with your family, gumawa ka ng outlet kung san mo mailalabas lahat ng nararamdaman mo.

Hindi ka makakalimot kung palagi mong iisipin ang mga “what ifs” mo na di naman talaga makatotohanan , yung pinaniniwala mo nalang yung sarili mo sa mga baka sakali, hindi mo kelangan ma confuse at higit sa lahat hindi mo kelangan mag overthink para sa taong di kayang panindigan at sagutin kung ano ba talagang meron kayo dahil hindi pa sya handa.

Wag ka patuloy maniwalang there’s so much more to it at kaya mo pa naman, baka in the end di mo namamalayan ikaw nalang pala yung nangloloko sa sarili mo. Lumaban ka! Para sa ikabubuti ng sarili mo, wag ka kumapit ng kumapit matuto ka bumitaw!

And lastly love yourself, don’t lose yourself over someone kase hindi ka hanggang option lang, may pipili at pipili din sayo.


Send me the best BW Tampal!

* indicates required