Di ko pa kayang aminin

146

Pasensya na

Kaya ko pang idaan sa biro

Kaya ko pang idaan sa kanta

Kaya ko pang magtiis

Kasi….

Di ko pa kayang aminin

Hindi pa dapat

Hindi pa panahon

Namnamin muna natin

Ang pagkakaibigang nabuo

Sya muna ang mahalin mo

Mag explore ka

Pursue your dreams

Paint the town red.

Andito lang ako

Isang kaibigan, matatawagan, ka-chat.

Kadamay mo sa mga dagok at saya mo sa buhay.

Masaya naman ako sa ganito,

Habang tina-try ko din umayos ang buhay ko.

Para sa mga taong umaasa sa akin.

Daming resposibilidad, daming gustong gawin

Daming gustong tulungan, daming umaasa.

Pero salamat….

 Sa pagkakaibigang nabuo

Sa sayang dulot ng walang humpay na tawanan

Sa mga maliliit na bagay na dulot ay totoong ligaya

Sa mga tawa mong mas nakakatawa pa

Kesa sa mga biro mong binitawan

Salamat, taus-pusong pasasalamat.

Our friendship is a work in progress

Kung san hahantong to, hindi ko alam.

Basta ang alam ko

Hindi ako bibitaw,

Hanggang sa dako pa roon

Sa tamang panahon.

Sana….

Sa mga panahong yon,

Ready na ako, at okay ka na din.

Sana tandaan mo 

Pinapangahalagahan ko

Ang pagkakaibigang nabuo

Pinangangalagahan kita.

Umaasa ako….

Balang araw magkikita din tayo

Sana pag dumating ang araw na yon

Maramdaman mo kung gaano ka kahalaga sa akin

At sana maitago ko ang sakit at pait

Na nararamdaman ko

Sa tuwing alam ko na iba

Ang kausap mo sa araw-araw

Pero wala akong magawa

Wala akong karapatang magreklamo,

Magalit, o magtampo….

Kasi hindi naman tayo

WALANG TAYO

Sana nga meron

Sana nga merong tayo.

Pero sa ngayon

Ganito muna tayo

Kakayanin kong makontento

Kakayanin ko ang umiwas

Kasi di ko pa kayang aminin

Di ko pa kayang suklian.

Gusto ko sana

Gustong-gusto.

Pero ang hirap

Sobrang sakit sa dibdib

Para akong sasabog

At ang sakit sakit na.