Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Huwag subukan, Ang mali ay mali
Hindi ko mabilang kung ilang beses tayong nagpalitan ng ngiti, Sa bawat lambing na alam nating dalawa’y may katapusan. Nakilala kita sa hindi inaasahang pagkakataon, Nagtagpo tayo sa maling ikot ng kamay sa orasan, Akala ko pwede na, Akala ko kaya ko, Akala ko kase parehas tayo, akala ko kaya mo ding ilaban pero mas pinili mo pa din siya. Sabagay, pipiliin mo siya kase siya yung “opisyal” siya yung “rehistrado” siya yung bebe mo, samantalang ako? ayun nakilala mo lang sa di inaasahang pagkakataon. Una palang alam ko ng hindi mabubuo yung katagang “tayo” kase mahal mo siya, mahal ka niya pero mahal din naman kita ah, kahit alam kong mali, kahit alam kong talo ako, kahit alam kong malabo.
Naalala ko kung paano nagumpisa lahat, kung paano moko tinulungan maglipat ng gamit sa bago kong lilipatan, matapos yun araw araw na tayong naguusap, araw araw mokong sinasamahan sa graveyard duties ko kahit na may pasok ka pa ng 10:00 ng umaga, kung paano moko napapasaya sa mga kakornihan mo, kung paano moko tratuhin sa bawat road trips natin, kung paano mo ipakita yung bagay na hindi ko nakita sakanya, pero alam nating mali kase may nag aantay sayong bumalik, may inaantay ka ding bumalik, tapos ako kakatapos lang magmahal ng iba.
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
Sobrang gulo lahat, hindi pa tayo tapos magmahal ng iba, kaya alam nating dalawa na walang mananalo, alam nating dalawa na hindi pwede, na mali.
Gumuho lahat noong mabasa ko ang mensahe mo “Maguusap na kami”, nagulat ako syempre, umaasang hindi na sana maayos, hindi sana kayo matuloy, pero masokista ako nakiusap na magkita ulit tayo bago kayo magusap kase ramdam ko na maayos niyo pa, na ilalaban niyo pa.
Nagkita tayo, Huling araw , huling oras, huling pagkakataong aakapin kita, mahahalikan, huling pagkakataong masisilayan ang mga ngiti, huling pagkakataon na mahawakan ko yang mukha mo. Inenjoy ko yung bawat sandaling iyon kahit sa bawat oras sumasagi sa isip ko kung paano na tayo pagkatapos ng araw na iyon, kung ano ng mangyayare matapos yun.
Ngayong araw na ito, nakatanggap ulit ako ng mensahe sabi mo “Okay na kami, nag-sorry siya” hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa kase masaya kana na okay na ulit kayo, pero sakim ako e hindi ako masaya hindi ko gusto na okay na kayo syempre Paano naman ako? Paano na ako? Paano ako na napamahal na sayo?
Ngunit eto, suntok sa buwan ang nangyare, may dadating talaga sa buhay natin na di natin inaasahan, hindi natin pinplano, na magbibigay ng malaking epekto sa buong sistema mo, sa buong proseso, pero hanggang doon lang yon, kung alam ng mali wag ng ipilit, kung mali na sa una magiging mali din ito sa huli.
Tandaan: Wag subukan kung hindi kapa tapos magmahal ng iba. Never entertain or meet someone kung may excess baggage kapa. Wag ganon. Wag subukan.