a lonely girl, who only wants love and clarity
A girl

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sorry kasi ito lang ako..

I’m in the LDR relationship rn for almost 3 years, lahat ng bagay iniintindi ko, time frame namin sa isa’t isa, madalas good morning good night na nga lang kung mag usap kami, update ng konti on how’s our day went. He doesn’t send pictures man lang from the start so i can be updated, still, di ko alam kung takot syang makita ko sya I’m holding on to love, because I love him. Lahat ng pag papasensya ginawa ko, kasi mahal ko sya, may mga times na ayoko na, pero, lagi pa rin ako bumabalik sa araw na ginusto ko sya, at paninindigan ko na magkikita din kami sa tamang araw, oras at panahon, and, you know guys, naging loyal ako sa taong kahit kailan ay hindi ko pa nakikita, tanging boses lang nya ang alam ko.

Pero dumating kami sa punto na ako, ang toxic ko na, kasi nakakaramdam ako na mag isa nalang ako, mag isa ako sa relasyon, btw, nakilala ko sya sa dating app, sa litmatch, tho lagi nyang sinasasabi sakin na mahal nya ‘ko, there was a time na nagalit ako ng sobra kasi nag selos ako, don sa pag kaka wrong send nya, and he insisted na wala akong dapat ika-selos at tropa yun, i don’t know, pero yun ang sabi nya, now, he’s being cold, feeling ko, ako lahat ang may kasalanan, nag dalawang isip na sya sa relasyon na meron sya sa’kin, ng dahil sa pag seselos at mga nasabi ko, pero yung mga sacrifices ko, hindi ko alam kung na appreciate nya. Now, hindi ko alam kung saan kami papunta, either mag stay kami sa isa’t isa, or mag hiwalay na.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Bahala na po kayo sa magiging comments nyo sa akin, any advice ay tatanggapin ko, please, alam ko may mag sasabi sakin na (matanda ka na alam mo na ang dapat gawin, yes I’m turning 31 this year) but still, i will read your comments, silently.

thank you.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required