Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ako’y nabighani sa maganda mong ngiti.

Hindi ko akalaing ako’y iyong mapapangiti.

Kahit alam kong ako’y iyong pinapakilig.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kaya hindi ko akalaing ako’y iyong mapapaibig.

Sa bawat paglapit mo ako’y kinikilig,

dahil nandiyan na naman ang tawag ng pag-ibig.

Alam kong bawal pero hindi itatagal,

Dahil alam kong may iba ka nang mahal.

Masakit isipin ngunit kailangang tanggapin,

dahil kailan ma’y hindi ka magiging akin.

Maraming salamat sa mga alaala nating nilikha,

na siyang tatatak sa puso ko’t saya sa aking mga mukha.

Sa iyong pag alis,

Kailan ma’y hindi ko ninanais.

Ika’y hindi makakalimutan,

dahil tayo’y magkaibigan ngunit hindi magka-ibigan. 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required