Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ano bang nangyayari sa mundo
Mga kabataan ay sobrang malabo
Bisyo dito,bisyo doon
Nagwawaldas ng oras,pera at panahon
Madaming nasasayang na pagkakataon

Sa henerasyon sa panahon ito
Kung saan napakadelakado
Marupok na kabataan,hindi na ginagamit ang isip puro puso
Pag aaral ay wala nang oras pa
Magiging mga batang ama’t ina na
Walang siguradong patutunguhan
Walang magandang pagtratrabahuan
Aasa at aasa pa rin sa mga magulang

Ang mga naggagandahang mga gawang teknolohiya
Kung saan naglilipahan na
Bagong cellphone,magandang sasakyan ,mga magandang kagamitan
Magtatampo na pag hindi nabilhan ng magulang.
Iba na talaga ang mga kabataan

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pag aaral sana’y pagtuunan
Magandang buhay ay mapupuntahan
Wag maagang ibukas ang mata sa realidad ng buhay
Kung saan may asawa’t anak kang maagang pinaggagastuhan
Marahil ito rin ay iyong pagsisihan

Masarap maging kabataan ngayon
Kung saan iba na ang panahon
Libreng pag aaral ay mayroon
Wag natin madaliin ang panahon
Lahat tayo ay may pagkakataon
Maging malaya habang ikaw pa ay bata
Sikaping makatapos,at lahat ng luho ay makuha
Dahil iisa lang ang pakakataon,walang pangalawa.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required