Klarong wala, kaso baka…

Umaasa ka pa rin bang babalik siya? Alam mong hindi na pwede pero pinipilit mo pa ring magbakasakali. Hinihintay mo pa ring hawakan niya muli ang mga kamay mo kahit alam mong matagal na siyang nakabitaw. Siya pa rin ang iniisip at bukambibig kahit na pinilit ka na niyang kalimutan. Nagbabaka-sakaling masambit ulit ang salitang “Mahal kita” kahit malabo na.

Alam mong tapos na, pero bakit nakakapit ka pa? Hindi ka ba napapagod? Hinahabol mo pa rin ang taong pagod na kaya lumayo na sayo. Alam mong klarong-klaro na wala na kaso umaasa ka pa rin na baka..

Baka pwede pa…

Exit mobile version