Noong una, akala ko’y ikaw na ang taong para sakin, akala ko ikaw na ang aking kasiyahan, at akala ko ikaw na ang taong makakapagbago sa aking buhay.
Ngunit ikaw ay nagbago na, naging madalas kanang matampuhin, madalas kanang madala ng iyong galit, at wala kanang oras para sa ating relasyon.
Diko alam kung bakit bigla kanalang nagbago, diko alam kung ano ang dahilan ng iyong pagbabago, pero malaya kana sa lahat ng gusto mong gawin dahil pagod nakong intindihin ka.
Malaya kanang maghanap ng ipapalit sakin, malaya kanang pumunta sa gusto mong puntahan at malaya kanang gawin ang mga bagay na gusto mong gawin.
Pero ito ang tatandaan mo, binalewala moko at sinayang mo ang taong seryoso pagdating sa lahat ng bagay.