Mr. Toenails

Dear Ingrown Toenails,

Ingrown, alam mo ba na na-miss ko ang lugar na ‘to, kasi ilang araw din akong hindi nakakilos ng maayos mula ng binigyan mo ako ng sakit, kirot at pasakit. Kamakailan lang nabanggit ni Nail Cutter na putulin kapag ito’y mahaba na, ngunit ‘di ko sya pinakinggan, natutuwa kasi pag ito’y humahaba at kay gandang tingnan pag ito ay nalalagyan ng iba’t ibang kulay.

Ngayon nakakaramdam ako ng parang may ‘di tama, may sakit yung tipong may kutob na baka ito ay lumala, kaya matapos kitang pagtiyagaang kutkutin at sa wakas ika’y aking natanggal. Masakit  pero dito ko ngayong muling masusubukan na ikaw ay ilakad at itakbo ng pasulong kahit pa may kirot mula pag pagkakatanggal ko sa’yo.

Sabi nga nila takbo lang hanggang sa unti-unting makasanayan at mawala na ang kirot, para sa pagdating ng oras na ako’y  tumingin, makikita ko na milya- milya na pala ang naitakbo ko at masasabi ko na sa umpisa lang pala masakit, habang tumatagal gumagaan ka na sa pakiramdam.

Hindi naman kita masisi kung biglaan ang iyong pag-atake, marahil hindi kita napagtuunan ng sapat na pansin at hindi napanatiling maayos.

Gayonpaman nagpapasalamat pa din ako sa lahat ng pangyayari at sa mga panahong ating pinagsamahan. At higgit sa lahat may aral din naman akong natutunan ito ay laging dadalin si “Nail Cutter”.

Ang iyong napaginhawa,
Paa ni Snowflakes

Exit mobile version