Marami na tayong pagkakatong nasayang. Minsan, dahil sa laro ng tadhana. Pero madalas, tayo ang may gawa. Bakit nga ba? Yun din ang aking tanong. Siguro nasanay na lang tayo na kahit kailan, hanggang dito lang . Laging my mahabang guhit sa pagitan natin na tayo lang ang nakakaalam.
Sa bawat araw na lumilipas ay katumbas ng pagiging malayo natin sa isa’t isa. Alam nating dalawa na tayo ay nasa mundong magkaiba. Kahit anong pilit pa, sa huli ay isang malungkot na pagtahak ng landas ng bawat isa.
Darating pa kaya ang araw na tayo’y tatahak sa landas na isa? Puso man natin ay may paguusap subalit balewala.
Gusto kong itanong saiyo kung may pag-asa ba na talikuran mo ang yung mundo para sa ating dalawa. Subalit, natakot ako sapagkat alam ko ang iyong sagot. Ako ay mahalaga ngunit ang iyong mundo ay napakahalaga at hindi mo ako kayang ikumpara. May laban ba ako? Malamang wala. Kaya heto tayo ngayon, hindi magkaisa. Masaya naman tayo diba? Bakit pa?
Kailanman, tayo ay nasa mundong magkaiba. Walang pag-asa. Kaya ang dapat dito ay itigil na.
Photo:ctto