Nakakatuwang isipin yung dating meron satin.
kahit wala pinilit kong pilitin.
kahit masakit lahat nagawa kong kayanin
kahit mahirap pinilit kong tiisin
ang sakit na dala ng maling pag tingin
umibig sa alam kong hindi pwede maging akin
na nung una palang hindi ako ang tinitibok ng yong damdamin.
ngunit nagaawa ko parin ikay suyuin
kahit parang anong gawin tila wala parin…
sabi nga nila “theres always a first time in everything”
naniwala ako dyan kaso i ended up with “nothing”
yung feeling mong “label is everything”
yun pala “label is just a word to name something”
oo something na bagay lang
kasi alam kong hangang dun lang
hangang asa sa mga pangakong mong mapanlinlang
umasa sa walng pagasang love story pambata lang..
nakakatuwa isipin
kung pano mo ako panoorin
habang dandahan akong nahuhulog sa pag ibig mong parang bangin
habang bawat salitang binibitawan tila tinatangay ng hangin
at kahit anong pilit ko umakyat at bumangon tila wala parin
wala parin pala tlgang pag asang matawag kitang akin
pakiramdam na kailangan ko pang hawiin ang ulan dahil alam ko sa langit lang kita pwedeng yakapin.
sa pag gising akoy matauhan
tas sasabihin sa sarili na “ang puso mo hindi laruan
ibagay sa taong kayang ingatan
para hindi ka na ulit masaktan”
paalam sa mga alala ng nakaraan
paalam sa sakit na iyong iniwan
salamat at naging isa kang tauhan
kahit akoy tinrantong kasangkapan
na bigla mo balang iniwan.
sana d mo sabihin na ako’y iyong binitawan
dahil nung una palng wala naman akong kinapitan..
paalam sa mga alala mo na kahit kailan hindi ko na babalikan.