Nung una kitang makita, para bang nag slow motion ang paligid ko kasi ang ganda ng ngiti mo. It was a genuine smile na hindi na mabura sa alaala ko.

Ang sarap balik-balikan.

Ang sarap alalahanin.

Di ko makakalimutan nung una mo akong pansinin. Nakakakilig nung una kitang maka-chat. Para akong baliw kasi napapangiti ako mag isa sa bawat reply mo. Inaabangan ko bawat reply mo. I always make the conversation interesting para mag reply ka. Kahit na minsan di mo trip, ako ang unang nag i-initiate ng conversation. Tinatag kita sa mga interesting quotes, posts, and memes sa Facebook. Hanggang sa ako naman ang tinag mo. Grabe nakakakilig talaga!

Mas lalo nga kitang hinangaan nung nag open up ka na sakin. Our conversations are somehow getting deeper. Ang gaan sa pakiramdam na nakakausap kita. Pero di ko alam kung sakin ka nga lang ba ganun o sa lahat ng kaibigan mong lalaki. Kasi ako, sayo lang ako ganun. At napapaisip ako kung aamin na ba ako na nagugustuhan na kita, pero kasi parang di pa time. Hindi pa tayo ganun katagal magkakilala. Iniisip ko kung torpe ba ako. Pero hindi eh. I just want to know you more.

I want to establish friendship first. Kaya kahit papaano nililimitahan ko sarili ko na i-express yung feelings ko for you. Malinaw sakin na hindi pa to ang right timing para mag confess. Kasi naniniwala ako na kapag umamin ako sayo dapat ready ako na mabasted mo o ready akong panindigan ka hanggang dulo. Dapat ready ako na kahit makita ko ang mga mali at ayaw ko ay ikaw parin ang pipiliin ko. Dapat malinaw sakin na kapag niligawan na kita at mag date tayo, marriage ang goal ko. Hindi lang dahil crush kita o kinikilig ako. Hindi lang dapat gusto kita when you smile but even when you’re crying and annoying. Sa ngayon, I want to know you more.

I want to know you more and alam ko sa friendship ko lang magagawa yun. Kaya kapag inaaya kita palaging group setting. I’m also being careful sa mga messages ko sayo. Kasi alam ko na this is not the right time to awaken love. Marami pa akong dapat ayusin sa sarili ko na would benefit you and me in the future in case na you’d let me in to your life. Kaya sa ngayon, I want to build our friendship with the help of the people around us. A friendship that is safe. Ang friendship na mag re-reveal kung sino talaga tayo. Para kapag nakita na natin ang worst and best side ng isa’t isa we can decide if you and I still want to pursue each other.

Lets enjoy our moment together as friends. And when the time comes, kapag ready na, kapag season na, masasabi natin na worth it lahat ng paghihintay. And that is the beauty in waiting.

Kaya sa ngayon, crush lang muna.